coffeepie..

  1. Fiona’s diary-Facebook

    I always thought that I was born ugly. That God didn’t give each and every person fair beauty, skills and abilities to use for their everyday life. Simple lang naman akong babae… NOON. But now, I couldn’t really explain what happened to my unpredictable life.


    Ako si Fiona. 21 years old. 5’6’’ in height. 46 kg, 36-22-36. Bakit ko sinasabi ‘to? Kadalasan kasing tinatanong to sa mga beauty contests. Pero I never tried to join because I have the fear of being rejected and booed. I was born in a family with a below average financial status. In short mahirap lang kami. Ni hindi nga ako makabili ng kahit simpleng face powder eh. Hindi na nga pretty, no ways to be pretty pa.  I am the eldest sa aming 12 na magkakapatid. Halos buwan lang ang tanda namin sa isa’t-isa. At dahil wala na kaming tatay at may sakit ang aming nanay, I was given the responsibility na pagaralin, pakainin, at buhayin ang mga kapatid ko.

    Hindi naman sobrang bigat ng dinadala ko dahil tinutulungan na ko ni Aurora at Belle, mga kapatid ko na sumunod sa akin na graduate na rin ng college. Maswerte nga ako dahil hindi nagiging suwail ang mga kapatid ko.

    Noong bata pa ko, palagi akong naglalakad ng nakayuko. Hindi ko maexplain kung bakit pero feeling ko talaga ang pangit ko. Tsaka parang pakiramdam ko lalaitin lang ako ng bawat taong nakakakita sa akin… harap-harapan man o sa isip lang. Parang wala akong maipagmamalaki sa mga tao, hindi ako maganda, hindi ako maputi tulad ng iba, hindi ako nagkakaroon ng oras para makapagsuklay, hindi ako honor student. Pero mabait ako.

    Dati nga, nung high school pa ko, pag hinahanapan ako ng boyfriend nung mga best girlfriends ko… tinatanong nung boys-“maganda ba?”… sila naman, “mabait”. “Sexy ba?”… “mabait”. “Cute?”… “mabait”. Haay, kakalungkot isipin pero totoo.

    Until one day, a friend introduced to me “facebook”. At that time, I was not really interested. Ang gusto ko lang nun ay Friendster. My mind is really blank about what is facebook and it’s features.

    Nung una, bored ako dun, walang lay-out eh. Pwede maginstall pero sa Mozilla mo lang mavview. Pampabagal pa ng net. Masasayang lang ang 15 pesos ko sa net shop kakahintay nung background ko. Pero nung tumagal, natuwa na ko sa facebook. Andaming pumupuri ng pictures ko, feeling ko tuloy ang ganda ko. Parang naging way na nga lang yung facebook ko para magkaroon ako ng lakas ng loob, may maipagmamalaki pala ako?

    Around September… year 2004, 15 years old ako nun, a guy asked me something. He wanted to meet with me somewhere near my school. Pumayag ako kasi ok lang naman daw kahit may kasama ako. Pero at that time wala talagang available eh, busy silang lahat. So I went there all alone. Everything went fine naman. He’s such a gentle man. He lets me speak out all the words before he try to interrupt me with what am I saying, which is an advantage for me kasi sobrang daldal kong tao.

    Babanat nalang sya pag alam nyang wala na talaga akong masabi. Hindi sya tumitigil sa pagngiti. And from that moment, I felt the heartbeat. I knew that time that there would be something.

    We went out for several days. Nagdate kami, kadalasan sa SM. Yun kasi yung malapit eh. Tska sagot naman nya palagi, hindi ko naman sya pinipilit, sya talaga may gusto. Literally, mayaman siya. His father is the president of a very popluar company here in Philippines. And his mother didn’t have to work that she could spend all of her time relaxing in spas. Oh I forgot to tell, his name is Shrek. : ) And he was the most handsome thing I’ve ever seen.

    After a few months… naging kami. Legal relationship. Tanggap ng pamilya nya ang status ng family ko and I became very thankful about that. Ni minsan ay hindi inabuso ni Shrek ang pagiging mabait sa kanya ni nanay. Sinisigurado nyang before 6 pm, nakauwi na ko. Hindi sya tulad ng ibang lalaki na baka nga hindi pa ako pauwiin. Damang dama ko noon ang pagmamahal at pag-galang nya sa akin.

    Masaya ako dahil wala na syang ibang hiningi mula sakin kundi pagmamahal. Handa syang maghintay ng tamang panahon para sa mga bagay na hindi pa naman talaga dapat.

    Dalawang taon ang nakalipas… 17 na ako. Halos ang pamilya na ni Shrek ang bumubuhay sa amin nung mga panahong yun. Sinabi nalang nya bigla na kailangan nya magtravel papuntang Australia. Pumayag ako.

    I waited… 1 week… 1 month… 1 year… he never came back.  He never tried to communicate with me. Nabalitaan ko nalang na may anak na sya, which is the reason why he had to leave.

    Akala ko nung una ok na… akala ko nahanap ko na yung perfect boy na magmamahal sa akin ng totoo at matatanggap ang kung ano at meron ako. Simula nun, hindi pa muling napapatibok ng ninuman ang munti kong puso. Siguro hindi pa sya nakakarecover.

    Para sa akin, facebook ang pinagmulan ng lahat, pero para sa iba, dahil lang naman yun sa aking napakalaking katangahan. Ano nga ba naman ang ginawa ng facebook? Isa lang naman syang social networking site na nagaallow sa atin na makipagcommunicate sa ibang tao. May positive features, pero at the same time, may negative din. In every positive thing, there will always be a negative that would sooner or later show up and will let that thing prove it’s worth.

    Shrek may not be the one for me. Kaya ko pa naman tiisin ang sumpa ng pagiging ogre kapag sunset na eh. Ang kapalit naman nito ay tunay na pagmamahal mula sa taong tunay na magmamahal. Ayos lang sa akin na maging ogre at mahanap ang taong totoo sa nararamdaman kaysa maging isang napakagandang prinsesa na ginagamit lang ng taong kasama nya.

    Hanggang dito nalang muna. Gusto ko lang ishare… sa pinakamamahal kong diary.



Get Tumblr Layouts